(Mula sa mga Teritoryong hindi isinuko ng mga Squamish, Tsleil-Waututh and Musqueam - Vancouver, BC) Naglunsad ang BCFED ng isang digital na kampanya upang hikayatin ang gobyerno ng BC na magpatupad ng Sick Leave program na sampung araw at babayaran ng pinagtatrabahuhan. Ang detalye ng programang ito ay ipapahayag sa darating na mga buwan.
Ang kailangan natin ay sampung araw na sick leave na may bayad, para masiguro natin na ang mga manggagawa ay hindi kailangan pumili sa pagitan ng pagpunta sa trabaho habang may sakit, at pagbabayad ng kanilang mga gastusin.” sabi ni BCFED President Laird Cronk. Ito ang unang hakbang sa OECD, at maraming mga mamamayan sa British Columbia ay nais rin intong mangyari. Walo (8) sa sampung (10) na mga taong binigyan namin ng survey, ay sumusuporta sa rekomendasyon na magkaroon ng hindi bababa sa sampung (10) sick days na may bayad bawat taon. At ang suporta ay pare-pareho sa mga tao na magkaiba ng edad, distrito ng tinitirahan, at kahit sa mga taong makakaiba ng pananaw sa pulitika.
Kasama sa kampanya ay ang isang sulat na nanghihikayat sa Minister of Labour, mga ministro ng kabinete, at mga lokal na MLA na suportahan ang panukala na sampung-araw na sick leave na may bayad. Ito ay makikita sa futureforall.ca/10_days. Ang sulat na ito at mababasa sa iba’t ibang lenguahe, kasama ang English, Punjabi, Traditional Chinese, Simplified Chinese at Tagalog.
Nadiskubre ng survey mula sa CCPA–SFU Labour Studies na mahigit sa kalahati ng mga manggagawa sa BC na mula sa edad 25 hanggang 65 ay walang sick leave na may bayad. Itong numero ay umaakyat sa 89% ng mga manggagawa na ang sweldo ay mababa sa $30,000 bawat taon.
Matatapos ang kampana sa October 25, na tinatawag nilang “Araw ng Aksyon” na may mga aktibidad sa Victoria, Surrey, at Burnaby.
Karagdagang Impormasyon:
- Detayle ng BCFED survey, na isinagawa ng Research Co. ay matatagpuan dito(PDF).
- And report ng BCFED sa BC tungkol sa sick leave na inilabas noong nakaraang buwan, ay matatagpuan dito.
Information:
Jonathan Sas
Director, Communications
m. 604-861-4321
media@bcfed.ca